SI PELE, ANG DIYOSA NG APOY AT BULKAN
Nawalan ng kapayapaan sa tahanan ng mga dyosa. Dahil sa alitang namamagitan sa magkapatod, inagaw raw kasi ni Pele ang kabiyak ni Namaka. Gumawa ng paraan ang kanilang mga magulang upang magkaayos muli ang dalawa subalit wala namang nangyayare. May isang bagay ang mas lalong dumagdag sa galit ni Namaka, yun ay noong aksidenteng nasunog ni Pele ang kanilang torahan at buong isla ng tahiti. Nang dahil doon, mas nagkagulo sa kanilang pamilya at di kalaunan ay napag-isipan ng magulang nila na lumipat ng 4 at iwan si Namaka dahil sinabi niyang susundan niya ang kapatid niyang si Pele san man ito mapadpad. Habang naghahanap ng tbagong tirahan, ipinagkatiwala kay pele ang kanyang bunsong kapatid na noon ay nasa loob pa ng itlog. Nang makahanap sila ng lugar, may masama namang nangyayare sapagkat may apat na diyosa ang nagseselos kina Pele at Hi’iaka dahil sa kanila natutuon ang atensyon ng mga taga doon kay’t tuwing magtatayo sila ng bahau ay binabatuhan ito ng nyebe upang tumumbaNapadpad sila sa Mauna Loa, isang mataas na bundok subalit hanggang doon ay nagpapadala pa rin si Namaka ng matataas na alon. Hanggang sa lumipas ang mga araw nang makita ni Pele si Ohi’a at Lehua, sa matinding galit ay pinatamaan niya ng apoy si Ohi’a at naging isang sunog na puno naawa siya kay Lehua kaya’t ikinapit niya ito sa puno ng Ohi’a. Marami pang nangyare dahil sa pagiging selosa ni Pele tulad nalamang ng pagkasunog ng hardin ni Hi’iaka sa pag-aakala niyang inagaw sa kanya ng kapatid ang kanyang iniibig. Kasamang nasunog si Hopoe ang matalik na kaibigan ni Hi’iaka. Nakarating ito sa kuya nila na si Kane-milo kaya’t pinigilan nila si Pele sa iba pa nitong gagawin. Namatay si Pele subalit patuloy pa ring siyang naalala ng mga tao dahil sa mga magandang nangyayare sa lugar tulad ng pagsibol ng bulaklak sa bayan nila.
Ang moral na aral sa mitolohiyang ito ay “MAHALIN MO ANG IYONG KAPATID, PAMILYA.” Huwag basta basta magpapadala sa galit at selos dahil magdudulot lang ito ng kapahamakan o kaguluhan. Tandaan mo, kahit anong mangyari sipa pa rin ang pamilya mo na magmamahal sayo.
MACBETH
“HUWAG PAIRALIN ANG KASAKIMAN” Dahil ito ay maaaring magdulot ng kaguluhan. Tulad nalang ng nangyare sa kwento dahil sa kasakiman ng mag-asawa ay marami ang namatay at nagsakripisyo ng buhay . Hayaan naring ipagkaloob sa atin ang mga bagay na gusto nating makuha. Huwag nating puwersahin ang oras o tadhana na ibigay agad ito sa atin dahil lahat ng bagay ay may TAMANG PANAHON. Sabi nga, “kung para sayo, para sayo. Kung hindi, tanggapin mo nalang.” Dahil walang magandang idudulot kung ikaw ay magiging sakim o madamot.
ANG KUWENTO NG ISANG ORAS
Si Ginang Mallard ay may sakit sa puso kaya’t ito ang dahilan kung bakit siya ay nalulungkot. Isang araw, sinabi sa kanya ni Richard na kasama raw sa namatay sa trahedya si Brently Mallard ang asawa ni Gng. Mallard. Ito ay labis na ikinalungkot ng Ginang. Kaya’t nagmukmok siya sa kanyang kwarto at tumingin sa kawalan. Iniisip niya na siguro mas magandang tanggapin nalang ang balita dahil kahit papaano ay magiging malay siya dahip noon ay di maganda ang pagsasamahan nila. Ilang sandali pa lamang ay may kumatok sa kanilang pintuan, si Ginoong Mallard, nagulat ang lahat sahil akala nila’y patay na ito. Ang paliwanag naman ng ginoo ay malayp siya sa pinangyarihan ng trahedya. Sa wakas ng kwento ay namatay si Ginang Mallard hindi dahil sa pagkalungkot, kundi namatay siya dahil sa kaligayahan na buhay ang asawa niya.
Sabi nga nila “Huwag agad maniwala sa sinasabi ng iba. Matuto tayong magintay at mag-ibestiga kung ano nga ba ang totoong nangyari upang hindi magdulot ng kung ano mang masamang resulta. Ang oras ay mahalaga kaya huwag itong sayangin.
ANG AKING ABĂ‚ AT HAMAK NA TAHANAN
- Ang pangarap ay pinaghihirapan at pinagsusumikapan. Hindi ito madaling marating kung wala kang pagpupursigi sa buhay. Lahat ng tao ay may pangarap. Lahat tayo ay maaaring maging isang doktor, guro, pulis, inhenyero o di kaya’y piloto. Ito ay hindi laruan, damit o pagkain na basta mo nalang itatapon kapag sawa ka na o ayaw mo na. Pinili mo yan, kaya kailangan mong panindigan. Tulad nalamang ng sa tulang ito, nakamit niya ang kanyang pangarap na maging sundalo subalit hindi naman siya masaya dahil sinabi niyang huli na ang lahat para umayaw sa larangang napili niya. Bukod kasi sa maiiwan mo ang iyong pamilya ay siguradong nasa hulay na ang isa mong paa dahil lumalaban ka para sa bansa mo, nakikidgma ka pero hindi ka sigurado na palaging ikaw ang mananalo maaaring isang araw, nakahandusay ka nalang sa sahig kasama ang iba mong kasama. Walang madaling propesyon. Kailangan mo itong mahalin at panindigan dahil yan ang ginusto mo e. Patunayan mo sa kanila na KAYANG KAYA MO!
MGA POKUS NG PANDIWA
Tinalakay natin ang POKUS SA LAYON kung saan ang layon ng pandiwa ang siyang nagiging paksa sa pangungusap. Sumasagot ito sa tanong na "Ano." Samantalang, POKUS SA TAGATANGGAP ay tawag kapag ang pinaglalaanan ng kilos ang siyang simuno ng pangungusap. POKUS SA SANHI naman kung ang paksa ang nagpapahayag ng dahilan o sanhi ng kilos. POKUS SA DIREKSYONAL ang tawag kung ang paksa ay nagsasaad ng direksyon ng kilos ng pandiwa.
Magagamit natin ito sa pang-araw-araw nating pakikipag-usap sa mga tao. Ito ang magiging gabay upang makapaggawa tayo ng pangungusap na tama at akma.
TULA AT ELEMENTO NITO
Nang dahil dito sa paksang ito, mas makakapagsulat na kami ng mas maayos at magandang tula na nagtataglay ng SUKAT, TUGMAAN, KARIKTAN AT PATI SIMBOLISMO. Mas makakapagsulat pa tayo ng mas kaakit-akit na tula sapagkat nagsisilbing gabay ang mga elemento ating tinalakay.
Magagamit natin ito sa pang-araw-araw nating pakikipag-usap sa mga tao. Ito ang magiging gabay upang makapaggawa tayo ng pangungusap na tama at akma.
TULA AT ELEMENTO NITO
Nang dahil dito sa paksang ito, mas makakapagsulat na kami ng mas maayos at magandang tula na nagtataglay ng SUKAT, TUGMAAN, KARIKTAN AT PATI SIMBOLISMO. Mas makakapagsulat pa tayo ng mas kaakit-akit na tula sapagkat nagsisilbing gabay ang mga elemento ating tinalakay.
MATATALINHAGANG PANANALITA
Ito ay mga di tuwiran ang gustong iparating o ipahiwatig. Mayroong IDYOMA na hango sa karanasan ng tao tulad ng "Maghigpit ng sinturon" na ang ibig sabihin ay "Magtipid". Ang tayutay naman ay may iba't ibang uri ilan lamang dito ang Pagtutulad, Pagwawangis, Pagpapalit saklaw, Pagtatao, Pagmamalabis at Pagbibigay katauhan. Maganda itong pag-aralan dahil na rin sa mas natututo tayong magsalita ng mga mas malalalim na salita na hindi literal ang kahulugan.
MGA DULANG PANTANGHALAN
Maraming anyo ang dulang ito nariyan ang KOMEDYA, TRAHEDYA, MELODRAMA, TRAGIKOMEDYA, SAYNETE, PARSE, PARODYA AT PROBERBYO. Ito ay magagamit natin kung nanonood man tayo ng pelikula dahil madali nating maituturing kung anong klase ng dula ang pinapanuod natin.
MITOLOHIYA
Ito ay koleksyon ng mga kuwento tungkol sa mga diyos at diyosa. Ito ay galing sa salitang Griyego na ibig sabihin ay talumpati. Naging alamat o pabila na ito na tungkol sa mga paniniwala. Maraming uri ng mitolohiya: Griyego, Egyptian, Indian, Maori. Mayroon din ang bansa natin na mitolohiya. Ang mitolohiya ay naghahatid ng aliw at nagtuturo ng magandang asal at syempre ito ay naghahatid ng mangha sa mga mambabasa tungkol sa mga nilalaman nito at pinapaliwanag ang mga bagay na hindi maipaliwanag.
PAGSULAT NG MAIKLING KUWENTO
Maraming dapat isaalang alang sa pagsulat ng maikling kwento. Maaari nating suriin ang Tauhan, Tagpuan, Banghay, Paksa at pati uri ng pananaw. Dito ay maaari nating malaman kung maayos o akma ba ang pagkakasunod sunod ng mga pangyayari o kung ano man. Kailangang tingnan din natin ang tamang flow ng istorya upang hindi magdulot ng kalituhan.
SALAMAT! INIHANDA NI
RUBIO, ERICA GWYN E.
MANALO, PAUL VINCENT
Mula sa
10-B
No comments:
Post a Comment