Saturday, September 2, 2017

PERFORMANCE TASK SA UCSP AT KOMUNIKASYON

Ginawa nina: Rubio, Erica Gwyn E.
DaƱas, Trisha Andrei A.





Sinasabi nila na hindi kailanman maaring paghiwalayin ang wika at kultura. Ang dalawang ito ang basehan ng ating pagkakakilanlan bilang isang Pilipino -- Kulturang Pinoy at Wikang Filipino. Kung wala ang wika natin, wala rin namang kultura ang lalaganap sapagkat wika ang nagsisilbing instrumento upang makagawa ng isang maayos na komunikasyon, isang maayos na obra maestra sa sining, panitikan at iba pa. Pinagbubuklod buklod ng wika ang lahat ng tao para mabigyang halaga o ipagpatuloy ang iba't ibang kultura natin, hanggang ngayon naman ay may iilan pa ring nagsusulat ng mga nobelang tagalog at iba pang sulatin na nakasalin sa wikang Filipino. Wika ang pinakamahalagahang kasangkapan upang maipahayag natin ang ating emosyon, saloobin, o hinanaing. Ang dapat nating gawin ay payabungin natin ito at pagyamanin, ito ang magiging isang magandang pananggalang natin sa araw-araw. Hindi mahalaga kung saan pa tayo nagmula, ang pinakamahalaga ay kung paano natin pahalagahan ang ating kultura at wika.